bleak mind
Monday, May 26, 2008
Havaianas VS. Spartan
Mukha atang nahawaan na ako ng aking mga kaopisina sa pagsulat ng Filipino. Ngunit mga kaibigan, ngayon lang po ito. May nais akong ibahagi sainyo para mapagnilaynilayan ninyo at maging praktikal sa buhay....
Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan:
Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG!-hAH- va- yaH-naZz!! (Filipino)
Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).
Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang,
1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman..
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- 'Shock-absorbent '
- Malambot ngunit matibay.
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
- Mainam na pang-japorms.
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!
_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ __
Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines
Pagbigkas:
spar-tan (American English)
is-par-tan (Filipino)
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis.
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho..
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
- Pwedeng ipamalengke.
- Mainam gamitin sa tumbang-preso.
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan.
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang
gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).
Olats na mga katangian:
* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas .
Ano mga kaibigan? Inyo na bang nalaman kung ano ang pagkakaiba? Sabagay ako din, nangarap din magkaroon ng nasabing mahal na tsinelas. Ngunit..... pinagiisipan ko pa rin... makatikim ng malambot na shinelass... ngunit pwede na rin dun sa ispartan. Salamat sa iyo el para dito sa mga impormasyon. Pagpalain ka sana ng Puong May Kapal. Amen.
4 Comments:
hahahaha da best! kaerak man su spartan! nagrave man ka chaka hahahaa. go pinoy mn graray ako! GO SPARTAN! hehehehe :)
nalingwan mo plan i mention: an spartan pede mo man an ibangot sa dinuguan! hahaha
dude may kulang pa... and SPARTAN pwede mong gamiton pampalataw sa binwit....
basta parehas goma, iu na an. Rambo ang mas maurag pero! :D
Post a Comment
<< Home